Hindi pa nakakapili si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos magbitiw ni Vice President Sara Duterte sa naturang posisyon.
Ibinahagi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa isang text message sa mga mamamahayag nitong Huwebes, Hunyo 20, na inulat ng Manila Bulletin.
Ayon kay Garafil, hindi pa pinangangalanan ni Marcos ang officer-in-charge (OIC) para pumalit sa posisyon ni Duterte sa DepEd kapag natapos na ang kaniyang 30-day notice sa Hulyo 19.
"Sa July 19 pa effectivity ng resignation niya; wala pa OIC," ani Garafil.
Sa ngayon ay magpapatuloy raw si Duterte bilang acting head ng naturang ahensya.
Matatandaang nitong Miyerkules, Hunyo 19, nang magbitiw si Duterte bilang DepEd secretary dala umano ng tunay niyang malasakit para sa mga guro at kabataang Pilipino.