Muling mapapanood sa aktingan ang tinaguriang "Pinoy Pop Culture Icon" at "Magandang Buhay" momshie host na si Jolina Magdangal-Escueta matapos ang halos 10 taong pamamahinga sa pag-arte at pagtuon sa kaniyang hosting skills.
Kabilang si Jolens sa upcoming series na "Lavender Fields" sa ilalim ng Dreamscape Entertainment, kasama sina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, at nagbabalik din sa paggawa ng teleserye na si Jericho Rosales.
"JOLINA MAGDANGAL is LILY ATIENZA!" mababasa sa caption ng social media post ng Dreamscape.
"This is the Iconic Return of the Pinoy Pop Culture Icon sa Primetime Bida! Abangan si Jolina Magdangal sa GRANDEST SERYE ng taon, mula sa ABS-CBN Studios and Dreamscape Entertainment!"
Aminado si Jolens na maging siya ay nasorpresa nang tawagan siya ng mga taga-Dreamscape para alukin sa nabanggit na serye. Kasi nga naman daw ay matagal na panahon siyang nakapokus sa pagho-host, sey niya sa panayam sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe.
View this post on Instagram
Napa-oo rin si Jolina matapos malaman kung sino-sino ang mga makakasama niya, lalo na nang malaman niyang isa si Asia's Academy Creative Awards Best Actress Jodi Sta. Maria ang isa sa mga bida rito. Mga bata pa lamang daw sila nang huli silang magkatrabaho ni Jodi, at isa rin siya sa fan nito pagdating sa aktingan. Si Echo naman daw, nakakasama niya sa shows abroad, pero sa isang serye ay hindi pa. Si Janine naman, nakasama niya sa hosting sa GMA Network subalit hindi pa sila nabigyan ng tsansang mag-acting showdown.
Pero iisa lang ang pangako rito ni Jolina: ibang Jolina ang mapapanood ng kaniyang mga tagahanga at malayong-malayo sa "Momshie Jolina" na napapanood sa Magandang Buhay, o sa mga pelikula niyang "chuvachuchu."
Huling serye ni Jolina ang "FlordeLiza" noong 2015 matapos ang muling pagbalik niya sa original home network, matapos ang ilang taon sa Kapuso Network.
Bago pa maging Kapuso ay bumida muna sa sariling serye si Jolina gaya ng Labs Ko si Babe (1999) katambal si Marvin Agustin.