Tatakbo si dating Vice President Leni Robredo bilang alkalde ng Naga City sa paparating na midterm elections sa susunod na taon.

Kinumpirma ito ni Liberal Party (LP) President Albay 1st district Rep. Edcel Lagman sa mga mamamahayag nitong Huwebes, Hunyo 20, na inulat ng Manila Bulletin.

“Ang last namin na pag-uusap siya ay tatakbong mayor ng Naga City upang ipagpatuloy ang programa ng kaniyang late husband,” ani Lagman.

Habang isinusulat ito'y wala pa namang pahayag si Robredo hinggil dito.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Matatandaang tumakbo si Robredo, leader ng tinatawag na “Kakampinks”, bilang pangulo ng bansa noong 2022 national elections kung saan nakalaban niya ang kasalukuyang pangulo ng bansa na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Naging bise presidente siya ng bansa mula 2016 hanggang 2022.

Si Robredo ang asawa ng namayapang si dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Jesse Robredo, na naging mayor ng Naga.