Personal umanong naghain ng reklamo ang BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon ng Miyerkules, Hunyo 19, 2024, laban sa kanilang bashers, na humantong na umano sa malalang cyberbullying.

Ayon sa ulat ng PEP, natunton ng kampo ng BGYO ang bashers na nagtatago sa kani-kanilang dummy accounts kaya natukoy nila ang tunay nilang pagkakakilanlan.

Ang nakakaloka, isang taga-showbiz daw ang damay sa kaso ngunit hindi naman tinukoy ang pangalan nito.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang kampo ng BGYO, na all-male counterpart ng BINI, na talaga namang sikat na sikat ngayon at hit na hit ang mga kanta sa TikTok at Spotify.
Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude