Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Hunyo 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:00 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 265 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 110 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

VP Sara, pinayuhan mga Pinoy na maging matalino sa pagboto sa susunod na eleksyon

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.