Para kay Vice President Sara Duterte, hindi raw lulan ng kahinaan ang pagbibitiw niya bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon nitong Miyerkules, Hunyo 19.

Sa isang press conference, sinabi ni Duterte na ang pagbibitiw niya sa puwesto ay dala umano ng tunay niyang malasakit para sa mga guro at kabataang Pilipino.

National

VP Sara Duterte, nag-resign bilang DepEd secretary

“Ang aking pagbibitiw ay hindi lulan ng kahinaan, kundi dala ng tunay na malasakit sa ating mga guro at kabataang Pilipino,” saad ng bise presidente.

“Bagamat hindi ako magpapatuloy na mamamahala sa kagawaran, patuloy pa rin nating itataguyod ang kalidad ng edukasyon na nararapat para sa Pilipino,” dagdag pa niya.

“Hindi man ako ang tumatayong kalihim ng edukasyon, mananatili akong isang ina na nagmamatyag at titindig para sa kapakanan ng bawat guro at bawat mag-aaral sa Pilipinas,” pagtatapos ni Duterte. “Para sa isang matatag na Pilipinas. Mga kababayan ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.”

Epektibo sa Hulyo 19 ang naturang pagbibitiw ni Duterte.

“I have given my 30-day notice to ensure the proper and orderly transition for the benefits of the next secretary,” anang bise presidente.

Bukod dito, nagbitiw rin si Duterte bilang Vice Chairperson ng NTF-ELCAC.