Nagbigay ng opisyal na pahayag si Senadora Imee Marcos hinggil sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) at Vice Chairperson ng NTF-ELCAC ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 19.

Mababasa sa art card na inilabas ng senadora na naniniwala at nagtitiwala raw siya sa kabutihan, kahusayan, at pagkakaibigan nila ni VP Sara na hindi magmamaliw. Tiniyak din ng kapatid ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na kasama siya ng Pangalawang Pangulo sa mga hakbang nito.

"Ako ay iyong kasama sa bawat hakbang, bawat araw at bawat laban, dahil iisa lamang ang nais natin; magwagi at magtagumpay ang Mahal nating Pilipinas," aniya.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Dahil dito, hindi na miyembro ng gabinete ng administrasyon si Duterte.

Para kay Vice President Sara Duterte, hindi raw lulan ng kahinaan ang pagbibitiw niya bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ayon sa kaniyang pahayag at talumpati sa isinagawang press conference.

“Ang aking pagbibitiw ay hindi lulan ng kahinaan, kundi dala ng tunay na malasakit sa ating mga guro at kabataang Pilipino,” saad ng Bise Presidente.

“Bagamat hindi ako magpapatuloy na mamamahala sa kagawaran, patuloy pa rin nating itataguyod ang kalidad ng edukasyon na nararapat para sa Pilipino,” dagdag pa niya.

“Hindi man ako ang tumatayong kalihim ng edukasyon, mananatili akong isang ina na nagmamatyag at titindig para sa kapakanan ng bawat guro at bawat mag-aaral sa Pilipinas,” pagtatapos ni Duterte. “Para sa isang matatag na Pilipinas. Mga kababayan ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.”

Epektibo sa Hulyo 19 ang naturang pagbibitiw ni Duterte.

“I have given my 30-day notice to ensure the proper and orderly transition for the benefits of the next secretary,” aniya.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, nag-resign bilang DepEd secretary