Tila malungkot si Rendon Labador matapos ideklarang persona non grata sa buong Palawan ang grupong pinangungunahan nila ng kapuwa niya social media personality na si Rosmar Tan.

Sa isang Facebook post ni Rendon nitong Martes, Hunyo 18, sumulat siya ng isang liham na tila iniaalay niya sa nasabing probinsya

“Sana panaginip lang ang lahat, nagkatampuhan lang tayo pero wala parin akong ibang hangad kundi ang ikabubuti mo. Andito lang ako kapag kailangan mo ako,” saad ni Rendon.

Trending

Rendon, Rosmar idineklarang persona non grata sa buong Palawan

Dagdag pa niya: “Maraming salamat sa mga magagandang alaala, ma-mimiss kita. Hanggang sa muli.”

Pero bago pa man ito ay humingi na sila paumanhin matapos ang mangyari ng mainitang komprontasyon sa isang babaeng kawani sa munisipyo ng Coron, Palawan.

https://balita.net.ph/2024/06/18/rendon-rosmar-at-team-malakas-nag-sorry-sa-nangyari-sa-coron/

https://balita.net.ph/2024/06/16/rendon-rosmar-inulan-ng-batikos-dahil-sa-komprontasyon-sa-coron/

Ibinahagi rin kasi ng isang kasapi ng Sangguniang Bayan ng nasabing lugar ang kopya ng isang resolusyon upang maideklarang persona non grata ang buong grupo sa Coron matapos nilang iorganisa rito ang isang charity event

Ang persona non grata ay pagbabawal sa indibidwal o grupo na pumasok o dumayo sa isang lugar dahil sa pambabastos sa naturang lugar o sa mga taong nainirahan doon.