Pinaghigantihan umano ng isang janitor ang eskwelahan na pinagtrabahuhan niya dahil sa pagkakatanggal sa kaniya sa trabaho.

Ayon sa ulat, sinunog ng 58-anyos na janitor ang bodega ng Daisy’s ABC School sa San Carlos City, Negros Occidental noong Hunyo 14.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Agad na kumalat ang apoy sa iba pang bahagi ng eskuwelahan at nadamay rin ang dalawang bahay na pagmamay-ari ni San Carlos City Mayor Renato Gustilo at ng kaniyang pamilya.

Ayon sa alkalde, nagalit daw ang janitor nang tanggalin ito sa trabaho.

Tinanggal umano ang janitor dahil hindi umano nito nagagampanan ang tungkulin, nangangamoy alak, at naninigarilyo sa loob ng paaralan.

Samantala, sumuko ang janitor sa awtoridad matapos umano’y makonsensya na dahil sa galit niya ay nadamay ang mga bahay ng mga Gustilo.

Kasalukuyang nakakulong sa San Carlos City Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong arson.