Tila "nainis" ang mga netizen kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes batay sa inilabas na larawan ng GMA Network para sa teaser ng kaniyang Cinemalaya movie na "Balota."

Makikita sa larawan na habang nakasuot si Marian ng unipormeng pangguro ay tila nanlilimahid siya at may bahid pa ng dugo sa mukha, na nagpapakita ng patikim kung tungkol saan ang nabanggit na pelikula.

Photo courtesy: GMA Network

Ibinahagi rin ang mga larawan sa Facebook page ni Marian.

Pelikula

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?

Napansin naman ng mga netizen na kahit marusing siya ay litaw na litaw pa rin ang kaniyang kagandahan.

Maging ang aktres at politiko na si Aiko Melendez ay napakomento rin.

"Ang ganda pa dn niya," anang Aiko na kasama sa cast ng "Pamilya Salgado."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Kahit gusgusin lutang parin Ang Ganda ni Queen Marian Rivera."

"No make up Pero maganda padin Sana all"

"Maganda pa rin siya, nasan ang hustisya."

"Sana all na lang talaga. Kahit ganyan hitsura niya maganda pa din. Ako naligo na, nagmake up na't lahat mukha pa din gusgusin."

"The picture says all.. Inambush mga tagabantay balota mukhang maganda nga.."

"Ang ganda pa din ni Marian kahit madungis pag ako yan napagkamalan na akong taong grasa."

Mapapanood ang Balota sa Agosto.