Nagkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng GMA Network at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay ng isang compliance seminar na may pamagat na "Responsableng Paggabay" na ginanap noong Hunyo 4 sa GMA Network Center sa Kamuning, Quezon City.

Layunin ng nabanggit na seminar na magbigay ng gabay at klaripikasyon patungkol sa mga hurisdiksyon ng MTRCB sa regulasyon ng mga nilalaman ng palabas sa telebisyon at pelikula, gayundin sa pagbibigay ng rating classifications.

Photo courtesy: GMA PR

Pinangunahan ang pagdalo sa nabanggit na seminar mula sa mga opisyal ng GMA Network gaya nina Officer-in-Charge Mildred Zarah G. Garcia, Senior Assistant Vice President for Program Management Ma. Concepcion R. Agnes, at Assistant Vice President for Litigation and Special Projects Atty. Jose Vener C. Ibarra. Dumalo rin ang mga empleyadong may kinalaman sa TV content production, kasama na ang mga nasa likod ng TV plugs, publicity layouts, at theatrical cinema movies.

Events

Andrea Brillantes, naispatang nanonood ng UAAP Men’s Finals

Pinangunahan naman ni MTRCB Chair Lala Sotto ang pagtalakay sa paksa ng compliance seminar.

"Broadcasting is a privilege and not a right. And the airwaves utilized are a matter of public resources. With this privilege comes the duty to be conscientious about airing content. Being a broadcast network, GMA-7 shares the responsibility of ensuring viewer welfare and is expected to uphold standards that protect the Filipino audience and impressionable young minds from harmful content," ani Sotto.

Photo courtesy: GMA PR

Bukod kay Sotto, nagbahagi rin ng kanilang expertise sa mga dumalo sina MTRCB Vice Chairperson Atty. Sonny Cases Jr. para sa paksang “Scope of Authority and Guiding Principles," Chief, Legal Affairs Division Atty. Farinah B. Mindalano, REB, MPA na tumalakay sa “Administrative Procedures," Board members Atty. Gaby Concepcion at Eloisa C. Matias para sa “Ratings for Television Programs," at si Dr. Lillian N. Gui para sa “Imitable Behavior." Dumalo rin sa nabanggit na seminar sina MTRCB Board Members Keats Musngi, Neal Del Rosario, at Bobby Andrews.