Hindi pinalagpas ng aktres-model na si Ellen Adarna ang isang netizen na nagkomento sa ipinost niyang larawang kuha sa moving up ceremony ng anak na si Elias, anak nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Makikita sa larawan na sa halip na si Lloydie, ang mister niyang si Derek Ramsay ang kasa-kasama nilang mag-ina.

"The only decent moving up photo 😅," caption ni Ellen sa larawan.

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

Habang karamihan sa mga netizen ay nagpaabot ng pagbati sa kanila, isang netizen naman ang nagsabing dapat ay kasama nila si JLC.

"JL shoul be present," anang netizen.

Tugon naman ni Ellen, "AND YOU SHOULD MIND YOUR OWN BUSINESS. just because he's not in the photo dsnt mean he was not there. Wag masyadong close minded manang. Present father naman cya meaning present din cya sa lahat ng milestones ng anak nya."

Photo courtesy: Ellen Adarna (IG) via Fashion Pulis

Sa ngayon ay hindi na makikita sa comment section ang komento ng nabanggit na netizen.

Matatandaang bago ikasal kay Derek ay nagkaroon muna ng relasyon sina Ellen at John Lloyd, na ama naman ni Elias.