Naglabas ng pahayag ang Alliance of Concerned Teachers-Philippines kaugnay sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education.
Sa Facebook post ng ACT nitong Miyerkules, Hunyo 19, sinabi nila na tinatanggap umano nila ang pagbibitiw ni Duterte sa posisyon.
“She is one thorn less in the side of the teachers and the education sector. She has not resolved any of the problems of education, instead incessantly red-tagged ACT for our demands for more teachers and classrooms,” pahayag ng ACT.
“She has never sided with our call for salary increase and better benefits, instead scrambled to secure confidential and intelligence funds for her own political ends,” anila.
Dagdag pa ng grupo: “She has only used the education post to boost her political viability, but she so failed as her programs like the MATATAG agenda were problematic to begin with. She has no legacy to speak of and will only be remembered for red-tagging, CIF and bankrupt policies.”
Bukod pa rito, binanggit din ng ACT na ang pagbitiw na ito ni Duterte sa gabinete ay indikasyon ng lumalalang lamat sa pagitan ng kampo niya at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Tila malaking kalat naman umano ang lilinisin ng sinomang papalit kay Duterte sa naturang posisyon matapos ang pagbibitiw nito.
Gayunman, patuloy umanong ilalaban ng ACT ang mga kapakanan ng mga guro, estudyante, at education support personnel kahit sino pa man ang maupo sa posisyong iniwan ng bise-presidente.
Samantala, nagbigay na rin ng pahayag si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro kaugnay sa naturang isyu.
https://balita.net.ph/2024/06/19/castro-sa-pagbibitiw-ni-vp-sara-bilang-deped-secretary-sana-ay-mas-maaga-niya-ito-ginawa/