Ikinuwento ng vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang isa sa mga bagay na hindi niya makakalimutan na ginawa ni Viy Cortez sa kaniya.

Sa isang ">vlog na ibinahagi niya kamakailan, hindi niya raw makakalimutan na sinagot ni Viy Cortez ang Francis Libiran wedding gown niya na nagkakahalagang ₱300,000.

Kapatid ni Rico Yan, 'di ipinagbabawal pagbisita sa puntod ng aktor

Kwento niya, ang gusto niya lang daw talaga ay simpleng wedding gown na nabibili sa Divisoria.

“Isa pa ’to sa hindi ko makakalimutan kay Viy na ginawa niya sakin. ’Yung time na nalaman niyang ikakasal na ko, inoffer niya na, ’Ano ‘yung gusto mong wedding dress? Akong bahala sayo.’ Kinabukasan after ko ma-engage, tinanong niya ko kung anong wedding dress ang gusto ko, at siya daw ang bahala,” panimula ni Pat.

“Ta’s sabi ko sa kanya, gusto ko ’yung ano lang, ’yung simple lang. Tapos ’yung mga nasa Divisoria. ’Di ba ang gaganda no’n? Pero mahal din ’yun, ’di ba, mga nasa ₱50,000, ₱30,000… Pero dai, hindi. Inappointment niya ko kay Francis Libiran, nagulat ako. So ’yung wedding dress ko ay gawa ni Francis Libiran, at ang worth no’n ay ₱300,000,” kwento pa ng vlogger.

Dagdag pa: “Ganun niya ako kamahal talaga, hindi ko makakalimutan ’yung ginawa ni Viy na ’yun sakin. Talagang, alam mo ’yun, syempre, ikaw, as a bride ka, bride to be ka, gusto mo maganda ’yung gown mo eh ’no? What makes it special, bigay siya ng isa sa mga importante sa buhay mo, which is si Viy. Tapos may name pa nung designer, like Francis Libiran, ibang level ’yon. Tapos siya pa nagpa-appointment sakin na, ’Oh ito na ’yung zoom, may zoom meeting kayo ha, ito ‘yung date.’ Ganun siya talaga ka-hands on. Na-feel ko talaga na love na love niya ko kasi no’ng time na ‘yun parang hindi pa naman gano’n kausbong.”

“May maglalabas sa’yo ng pera na ₱300,000. ‘Di ba parang gano’n. Sino ba naman ako para paglabasan ni Viy ng gano’ng kalaking pera? So ’yun, I really appreciate it. Si Viy kasi ang love language niya ay giving gifts talaga. Even before, very generous talaga siya sa family namin, even hindi sa family namin. Sa ibang tao very generous siya. Hindi siya ‘yung ma-i love you or yayakap siya sa’yo. Ang pinaka love language niya is giving gifts kaya every occasion talaga mayroon siyang binibigay sa amin, hindi ‘yon nawawala.”

Bukod daw sa wedding gown, inofferan din daw siya ni Viy na palitan ang nawala niyang wedding ring at engagement ring pero hindi na niya ito tinanggap dahil iba raw ang magiging value no’n.

“Hindi ako nag-go agad kasi ‘yung value ng wedding ring namin ni Keng, iba ‘yon eh. Si Keng ‘yung nagbigay ng wedding ring so kapag binigay na ni Viy, si Viy na ang nagbigay… So dinecline ko ‘yung offer niya. Pero ‘yung thought lang na willing siyang palitan. Na-appreciate ko ‘yung mga gano’n ni Viviys,” saad pa ni Pat.

Ikinasal sina Pat at Boss Keng noong Nobyembre 25, 2021. At ikinasal naman si Viy kay Cong TV nito lang Hunyo 17.