Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Zamboanga del Sur nitong Martes ng gabi, Hunyo 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:47 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 2 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Dumingag, Zamboanga Del Sur na may lalim na 5 kilometro.

Naiulat ang Intensity IV sa Mahayag, ZAMBOANGA DEL SUR habang Intensity III naman sa Molave, ZAMBOANGA DEL SUR.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.