Matapang na sinagot ng SB19 member na si Stell ang tungkol sa madalas na ibinabatong intriga pagpapaayos niya umano ng ilong. 

Sa one-on-one interview ni award-winning GMA News journalist Jessica Soho kay Stell kamakailan, sinabi nitong wala na umanong masama sa pagpapaayos ng sarili. 

“Well, this time, sa panahon po ngayon wala na po kasing masama when it comes to enhancing yourself. #SelfLove,” saad ni Stell.

“Kung doon ka magiging masaya, doon ka magiging confident, ano naman? Saka ang mahalaga, kung may budget ka, ipagawa mo na,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Zeinab, sinubok ang haba ng pasensya ni Ray Parks

Samantala, sa gitna ng panayam, napuna naman ni Jessica ang magandang pilik ni Stell na ayon sa huli ay natural na natural daw. 

Matatandaang kamakailan lang ay nakatanggap ng panlalait si Stell mula sa isang social media personality na naging dahilan para matanggalan ito ng endorsement.

MAKI-BALITA: Socmed personality na lumait kay Stell, tinanggalan ng endorsement

Nagbigay naman ng reaksiyon si Stell kaugnay sa naturang isyu sa pamamagitan ng isang TikTok live.

MAKI-BALITA: Stell, nag-react sa natanggap na bashing: ‘Wala na tayong magagawa do’n’