Idineklara nang persona non grata sa buong Palawan ang dalawang social media personality na sina Rendon Labador at Rosemarie Tan Pamulaklakin.

Ayon sa ulat ng isang pahayagan nitong Martes, Hunyo 18, inaprubahan na umano ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang payo ni Board Member Juan Antonio Alvarez na ideklarang Persona Non Grata sa buong Palawan. ang Team Malakas na pinangungunahan nina Rendon at Rosmar.

Samantala, sa isang Facebook post ni Palawan 2nd District Board Member Al-Nashier M. Ibba, matutunghayan ang kaniyang privilege speech kaugnay sa pagdedeklara ng persona non grata sa grupo nina Rendon at Rosmar. 

Tsika at Intriga

Rendon, Rosmar at Team Malakas nag-sorry sa nangyari sa Coron

Pero bago pa man ito ay humingi na sila paumanhin matapos ang mangyari ng mainitang komprontasyon sa isang babaeng kawani sa munisipyo ng Coron, Palawan.

https://balita.net.ph/2024/06/16/rendon-rosmar-inulan-ng-batikos-dahil-sa-komprontasyon-sa-coron/

Ibinahagi rin kasi ng isang kasapi ng Sangguniang Bayan ng nasabing lugar ang kopya ng isang resolusyon upang maideklarang persona non grata ang buong grupo sa Coron matapos nilang iorganisa rito ang isang charity event

https://balita.net.ph/2024/06/16/rendon-rosmar-pinapadeklarang-persona-non-grata-sa-coron/

Ang persona non grata ay pagbabawal sa indibidwal o grupo na pumasok o dumayo sa isang lugar dahil sa pambabastos sa naturang lugar o sa mga taong nainirahan doon.