Marami sa mga anak at misis ang nagbigay-pugay sa mga ama o tinaguriang "haligi ng tahanan" noong Linggo, Hunyo 16, dahil sa pagdiriwang ng "Father's Day."

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang naging tugon ng tatay ng netizen na si "@anderrated14" matapos niyang ibahagi ang naging sagot ng kaniyang ama nang batiin niya ng Father's Day at pasalamatan sa mga sakripisyo at pagmamahal nito bilang ama.

"happy father’s day po sa sa lahat ng ama niyo," mababasa sa caption ng TikTok post.

Makikita sa ibinahagi niyang screenshot ng kanilang kumbersasyon sa isang messaging app na makabagbag-damdamin ang naging pagbati niya sa ama.

Human-Interest

Pusa, tinaga sa leeg; Animal rescue organization, nananawagan ng tulong

Mababasa, "happy father's day pa (heart emoji) salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa amin, soon kami naman ang babawi sayo. Labyuuuu," aniya.

Tugon sa kaniya ng ama, "Load mo ako."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"straight to the point"

"nonchalant dad hahaha"

"My dad just raised his eyebrows 🙂"

"cute haha"

"hi daddy"

"nonchalant HAHAHAHAHAHAHA"

"nonchalant 😭😭😭"

"Hahahahahha i can relate!!!! 😂"

"Sa akin nga nag-K lang hahaha."

Ikaw, paano ka sinagot ng Papa mo nang batiin mo siya?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!