Ibinahagi ng aktres na si Teresa Loyzaga ang kaniyang pananaw tungkol sa kalungkutan nang kapanayamin siya ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk” nitong Lunes, napag-usapan ang tungkol sa paninirahan ni Teresa sa Australia na ayon umano sa kaniya ay itinuturing din niyang “home.”

“Nasanay na rin kasi akong mag-isa. I live alone. Siguro, sa iba, iisipin nila malungkot. Gagawan mo ng paraan, e,” lahad ni Teresa.

“Mauupo ka na lang ba? Tatanggapin mo na malungkot? Hindi, ang dami kong mga kaibigan do’n. ‘Yong mga anak ko naman, nagpupupunta rin saka lumaki naman sila kasama ko doon,” wika niya

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dagdag pa ng aktres: “I think, lungkot it’s all just a state of mind. Busy yourself. Do something. Improve yourself. Para walang lungkot.”

Bukod dito, ibinahagi rin ni Teresa ang ginagawa niya umanong yoga.

“Ano ‘yan, constant? Is that everyday?” usisa ni Boy.

“No naman everyday,” sagot ni Teresa, “kasi kailangan ko rin tanggapin na medyo pagka heavy ‘yong ginawa ko today bukas medyo may sakit dito, sakit doon.”

“I give my body enough time to recuperate,” dugtong pa niya.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, inamin ni Teresa na siya umano ang mismong nagpa-rehab sa anak niyang si Diego Loyzaga.

MAKI-BALITA: Nagpaalam kay Diego: Teresa Loyzaga, inaming ipinasok sa rehab ang anak