Kinagiliwan ng netizens ang video ng isang cute na aso na feel na feel magpa-makeup sa kaniyang amo.

Sa ">TikTok video ni Erica Cagolcol, mapapanood ang kunwaring pagme-makeup niya sa kaniyang aso na si Chanel.

Kahayupan (Pets)

Bus driver na isinakay asong nalilito at muntik masagasaan sa kalsada, sinaluduhan

“Tahol nang tahol gusto niya rin pa lang magpa-makeup haha,” saad ni Erica sa caption.

Talag nga namang feel na feel ni Chanel dahil behave rin ito habang kunwaring mine-makeupan siya.

[video width="576" height="1024" mp4="https://balita.net.ph/wp-content/uploads/2024/06/Download-1-1-1.mp4" loop="true"][/video]

Marami tuloy netizens ang natuwa kay Chanel.

“ganiyan din dog ko, jusko feel na feel pa kapag nilalagyan ko ng eyeshadow”

“legit to, i grew up with male dogs tapos ngayon adult na ko, i adopted a female dog and everytime nag mamake up ako gusto din niyaaaaa🥺 she just sits still habang kunyare nilalagyan ko siya ng blush

“the baby looks so behave!!! bet na bet niya talaga pa-makeupppp hihi so cutieee”

“feel na feel nya may pa smile pa 😭😭😭

“Puurrfect! Danda kana. 😆

“feel na feel nya hahaha..after naka smile 🥰

Habang isinusulat ito, pumalo na sa 312.2K views ang naturang video.