Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Martes ng tanghali, Hunyo 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:38 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 18 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tarragona, Davao Oriental, na may lalim na 33 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.