Trending ngayon sa X ang [Bulkang] “Mayon” dahil sa showbiz personalities na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

screenshot/X

Sa Instagram story kasi ni Kim, mapapanood ang boomerang video nila ni Paolo kung saan makikita na background nila ang Bulkang Mayon.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

(screenshot: Kim Chiu/IG)

(screenshot: Kim Chiu/IG)

Agad napansin ng fans nila na “nagpakita” raw ang Mayon sa dalawa. Ibig sabihin ng nagpakita ay hindi nababalutan ng ulap ang ‘perfect cone shape’ na bunganga ng bulkan.

Mas lalo pa silang kinilig dahil isa raw sa mga umano’y paniniwala na kapag nagpakita ang Mayon sa magkasintahan ito raw ay sumisimbolo ng "magandang kinabukasan" o 'di kaya'y "walang hanggang pag-ibig."

Bukod dito, pinaniniwala rin umano na nagpapakita ang Mayon sa isang tao na may “pure heart", kaya kapag nangyari raw ‘yon, matutupad umano kung anuman ang hilingin niya. 

Narito ang ilan sa mga post ng netizens tungkol sa pagbisita nina Kim at Paulo sa Legaspi, Albay.

"PANATAG SA KIMPAU! Iba pag si tadhana ang kumilos tlaga!!!kht ang Mayon Saksi sa inyong tunay na pagmamahalan!"

"Even Mt. Mayon agrees how pure their hearts are"

"Ang sabi daw pag nagpakita c Mayon sayo meaning nyan napakabuti daw ng iyong puso"

"Saksi ang Mt. Mayon, sealed to the everlasting Love."

"Kahit sa Mayon Volcano, kakapit kami Kim and Paulo! Panindigan nyo na to, mahiya kayo sa mayon na nagpakita sainyo today."

"When I saw this teary eyed ako. I’ve heard kasi of the sabi-sabi regarding the Mt Mayon. Pag couple kayong nagpunta at nagpakita sya sa inyo, mean non distened kayong dalawa. Kayo na nga hanggang dulo KimPau."

"KimPau have pure hearts thats why Mayon showed herself to them. Sana they made a wish para automatic wish granted ayiiii"

"Seeing Mayon so perfect is a good sign of destined love! Grabe kayo, pati Mayon, maka KimPau!"

"Mayon, ikaw ang naging witness nang kanilang kasweetan sana po ay ibless mo pa sila."

"Mga kasabihan, mailap usually ang Mayon na ipakita ang perfect form nya. Nagpapakita lang sya sa mga taong pure ang puso. And here's Mayon smiling at them."