Pinabulaanan ng aktres na si Bela Padilla ang kumakalat na tsikang kasal na umano siya sa Swiss-Italian boyfriend niyang si Norman Bay.

Sa latest X post ni Bela kamakailan, makikita ang YouTube video kung saan iniuulat ang pekeng balita tungkol sa kanila ni Norman.

Sey ni Bela: “Can we all please report this account that keeps spreading fake news. That clickbait photo is from a teleserye scene.”

Sa isang hiwalay na post, sinabi rin niya sa publiko na itigil na raw ang pagpapaabot sa kaniya ng congratulatory message.

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

“Not married. Stop congratulating me guys 😂” saad niya.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hahaha excited sila bels"

"Hahahhaha..Congrats in advance nalang po🤣"

"Congrats Belly sa happy lovelife hehe"

"Nag practice lang po mag congratulations momsie 😁🤗🫶🫶🫶

"bela si kim ba dapat i congratulations kasi na hanap na niya si mr right after long long yrs 🤗🫶🏻"

"Nasa venue na po ata sila HAHHAHAHAHAHHAH"

"Excited na po kasi kmi makitang ikasal ka  at para may reunion ulit ang friendship neung AngBeKi 🤣😁♥️🫰"