Ipinahayag ni Davao City Mayor Baste Duterte nitong Lunes, Hunyo 17, na mas bilib pa siya kay Senador Risa Hontiveros kaysa kay Senador Bong Go.

Sa isinagawang Maisug Rally sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes, Hunyo 17, sinabi ni Baste na mas bilib daw siya kay Hontiveros dahil “consistent” itong oposisyon ng administrasyon at hindi raw natatakot.

“Unfortunately for us, mas napabilib pa ako nitong si Risa Hontiveros kaysa ni Bong,” ani Baste.

“Kasi ever since talaga, sa previous administration, kalaban ‘yan. Hanggang ngayon consistent ‘yan, at ‘di talaga natatakot ‘yan,” dagdag niya.

National

Chinese na ayaw sumuko, binaril sarili, patay

Sinabi ito ng alkalde matapos niyang kuwestiyunin ang hindi umano pagbibigay ng pahayag ni Go sa gitna ng mga nangyayari ngayong isyu sa Davao City, tulad ng naging pagsibak sa 35 opisyal at tauhan ng Davao City Police Office habang iniimbestigahan umano ang pagkasawi ng pitong indibidwal sa anti-illegal drugs operation sa siyudad.

“Ikaw Bong Go, kumpare kita. Pero kung alam ko lang pala na magkakaganito, you know, ‘yung mga tao, kaming mga Davaoeño nagboto kami sa iyo. Kung alam ko na lang na ito lang pala ang gagawin mo, sana hindi na lang,” giit ni Baste.

https://balita.net.ph/2024/06/18/baste-duterte-pinatutsadahan-kumpareng-si-bong-go-kung-alam-ko-lang-na-ito-gagawin-mo/

Samantala, sinabi naman alkalde na may oras pa raw si Go para “i-redeem” ang kaniyang sarili.

“Pare, Bong, you have time to redeem yourself. You have time na ipakita na you will stand by the Filipino people so your love, ‘yung pagmamahal mo sa bansa [ay] mas umaapaw pa kaysa sa pagmamahal mo sa sarili mo, kasi hirap na hirap na ang mga tao ngayon,” saad ni Baste.