Hihinto na raw muna si “FPJ’s Batang Quiapo” star at “High Street” star Elijah Canlas sa pagtanggap ng gay roles sa mga pelikula at serye.
Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, ibinahagi ni Elijah ang dahilan kung bakit sa ngayon ay hindi niya nakikita ang sarili na gumaganap ng karakter na beki.
“Gusto kong mabigyan din ng opportunity ‘yong iba pang queer actors.Madami akong kilalang queer actors as well na mahuhusay. And I’d be proud enough na makakuha sila ng gano’ng klaseng trabaho and they represent themselves,” saad ni Elijah.
“Kasi syempre, kahit ally ako, kahit sinusuportahan ko ‘yong pakikibaka ng LGBT community, and nauunawaan ko ‘yong struggle, hindi ako from the LGBT community,” wika niya.
Dagdag pa ng aktor: “Mas maganda na ang gumanap doon, ‘yong mga taong nando’n talaga sa community, ‘di ba. Mas alam nila ‘yong struggle. Ako, all I can do is emphatize with them, justify ‘yong kung anoman ‘yong conflict ng character na gagampanan ko.”
Bukod dito, naibahagi rin ni Elijah na tila hanggang ngayon daw ay napagkakamalan pa rin siyang beki dahil sa mga karakter na ginamapanan niya sa mga nakalipas na taon.
Gayunman, hindi raw niya tinitingnan bilang negatibong bagay ito. In fact, para sa kaniya, isa pa nga raw itong compliment na maituturing.
MAKI-BALITA: Elijah Canlas, napagkakamalan pa ring gay