Natutuwa raw ang magkakapatid na miyembro ng all-female group na "4th Impact" sa tinatamasang tagumpay ngayon ng BINI, ayon sa panayam sa kanila ng Cinema Bravo, habang sila ay nasa US tour.

Sa ngayon kasi, BINI ang nangungunang all-female P-Pop group sa bansa batay na rin sa kasikatan ng hit songs nilang "Pantropiko," "Salamin Salamin," at iba pa, na namamayagpag sa hit charts lalo na sa Spotify.

Sey ng magkakapatid na Almira, Irene, Mylene, at Celina, nakasama na nila noon ang BINI sa Pinoy Pop Convention and Concert (POPCON) ang grupo at masasabi raw nilang deserving sila sa estado nila ngayon dahil sweet, humble, at talagang talented daw silang lahat. Isa raw ang BINI sa mga naging close nila, lalo na sina Mikha, Jhoanna, at Maloi.

Ayon sa panganay ng grupo na si Almira, hangad daw nilang makasama sa isang collaboration ang BINI sa hinaharap.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Deserve naman nila 'yon. And if we were given a chance to collab with them, it’s gonna be a dream come true for us, kasi, 'di ba, 'yong makasama mo ang ‘nation’s girl group.’ It’s been a dream para sa amin na makasama sila one day," aniya.

Saad naman ng concert promoter na si Enteng the Dragon, nagpadala na raw sila ng feeler sa grupo kung sakaling puwede silang makipag-collab sa kanila.

"Actually there’s a tour coming with BINI and we’re already sending our feeler if we can be given one opportunity to collab with them… Nothing is confirmed…” aniya raw.