Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Cagayan nitong Martes ng madaling araw, Hunyo 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:23 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dalupiri Island, sa Calayan, Cagayan na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’