“Oh, Neptune.💙

Ipinakita ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang larawan ng south pole ng Neptune na nakuhanan daw ng kanilang Voyager 2, ang nag-iisang spacecraft na nakarating sa naturang windiest planet at sa Uranus.

“Our Voyager 2 spacecraft captured this image of Neptune’s south pole as it sped away from the planet in 1989,” anang NASA sa isang Instagram post kalakip ang larawan.

Ayon sa NASA, mas mainit ang south pole ng Neptune kumpara sa lahat ng bahagi ng planeta nang 10 degrees Celsius (18 degrees Fahrenheit).

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Samantala, taong 1977 pa raw sinimulan ng Voyager 2 ang operasyon nito at ito ang nag-iisang planetang nakarating sa Uranus at Neptune.

“During its travels through the outer solar system, Voyager 2 visited all four gas giant planets, and discovered and photographed many of the planets' moons,” anang NASA.

“In November 2018, Voyager 2 reached interstellar space, the region between stars filled with material ejected by the death of nearby stars millions of years ago. Its twin spacecraft, Voyager 1, has resided in interstellar space since August 2012,” dagdag nito.

Sa ngayon ay nag-e-explore daw ang Voyager 1 at 2 sa mga lugar na wala pang sinuman o anuman mula sa Earth ang nakakarating.

“In their current mission, the Voyager Interstellar Mission, these two adventurers will explore the outermost edge of the Sun's domain,” saad ng NASA.