Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng madaling araw, Hunyo 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:13 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 23 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao Del Sur, na may lalim na 28 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.