Inalmahan ni Karla Estrada ang kumakalat na pekeng quote cards ng kaniyang anak na si Daniel Padilla.

“Fake news! Naka-report na ang mga accounts na ito,” saad ni Karla sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hunyo 17.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Kalakip ng naturang post ang dalawang screenshot ng dalawang Facebook pages na nagpapakalat ng umano’y pekeng quote card ni Daniel.

“Fake news ang feed ng mga account na ito. Double check muna sa mga nagbabasa bago mag-comment at baka madamay kayo sa pag-report namin sa mga page na yan,” dagdag pa ni Karla.