Isang binata ang patay nang pagbabarilin ng mga ‘di kilalang salarin sa Tondo, Manila, Lunes ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Lenard Musa, 20, ng Valderama St., Binondo.

Metro

Presyo ng manok, papalo ng ₱250 kada kilo

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin na mabilis na nakatakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-4:45 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Delpan bridge, sa Tondo.

Ayon sa ilang testigo, kasalukuyan silang nasa lugar nang makarinig ng ilang putok ng baril mula sa Delpan Bridge.

Nakita pa umano ang isang pulang kotse sa lugar, na kaagad na humarurot patungo sa direksiyon ng Bonifacio Drive.

Nang puntahan ang pinanggalingan ng kotse, dito na nila nakita ang bangkay ng biktima kaya't kaagad nang inireport sa mga awtoridad.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang siyam na fired cartridge cases at dalawang deformed bullets.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ang mga awtoridad ng follow-up investigation sa kaso upang madakip ang mga salarin.