NUEVA ECIJA — Arestado ang tatlong “most wanted persons” sa isinagawang manhunt charlie operation sa probinsya, ayon sa ulat nitong Lunes, Hunyo 17.

Ang mga suspek na kinilala lamang sa pangalan na “Jon,” “Diego,” at “Pete” ay naaresto sa bisa ng mga warrants of arrest, ayon sa pagkasunod-sunod: Kidnapping and Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injury (Top 1 Most Wanted ng Pantabangan), Violation of RA 10883 New Anti-car napping Act of 2016 (Top 6 Most Wanted ng Quezon), at Frustrated Murder (Top 9 Most Wanted ng Talavera).

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek.

“Nueva Ecija Police will remain strong on our approach against wanted persons and we will execute full force of the law to diminish criminality in every City/Municipality," ani PCOL Richard Caballero, PNP Provincial Director.