Kahit 23 taon nang kasal ang aktres na si Bernadette Allyson kay Gary Estrada. tandang-tanda pa rin niya ang detalye ng panghaharana nito noon sa kaniya.

Sa isang TikTok post nitong Linggo, ibinahagi ni Bernadette ang wedding photos nila ni Gary dahil kasabay ng Father’s Day ay ang kanilang 23rd Wedding Anniversary.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

“Ngayon at Kailanman was the song you sang to me 25 years ago the first time I went to your house in the farm, honey,” panimula ng aktres.

“Naghanda ka ng ‘team’ mo na maghaharana sa akin sa may bintana ng kuwarto sa bahay mo kung saan ako matutulog nung gabing ‘yun. Habang nag-aayos kami ni mom noon, nagulat na lang ako na may narinig kami na tugtog mula sa labas ng bahay.

“Dumungaw kami sa bintana at nandun ka kasama nina Kuya @junvillanueva2, Tiyo Peping, si Caloy na karpintero mo na siyang naggigitara noon at ‘yung iba pang kasamahan mo noon sa probinsya,” kwento ni Bernadette.

“At ‘yun na nga, natunaw mo ang aking puso. May romantic side ka rin pala,” sey pa niya.

“To the man I love and chose to spend my forever with, Happy Anniversary! I love you. Happy Father’s Day to you also my Honey!”

Sina Bernadette at Gary ay mayroong tatlong anak na babae na sina Icee, Gabbi, at Garri.