Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng aid giving activity, sa pangunguna nina First Lady Liza Araneta-Marcos at DSWD Secretary Rex Gatchalian, para sa mga pamilyang nabiktima ng pagputok ng Bulkang Kanlaon kamakailan.

Sa isang pahayag, ibinahagi ng DSWD na isinagawa ang aid giving activity noong Sabado, Hunyo 15, para sa tinatayang 1,752 pamilya kung saan nasa ₱17.5 milyong cash assistance daw ang kanilang natanggap sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

“The First Lady distributed ₱17.5 million in cash assistance under the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) to some 1,752 families at ₱10,000 each,” anang DSWD.

Bukod sa cash aid, namigay rin daw sila ng mga pagkain at non-food items sa mga naapektuhan ng bulkan.

National

Bulkang Kanlaon, nakataas sa Alert Level 2

Ayon sa DSWD, nasa 1,500 sa mga nakatanggap ng tulong ay mga residente ng La Castellana habang ang mga natitira ay mga benepisyaryo mula sa Bago City.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Hunyo 17, ay nagbahagi rin ang Unang Ginang ng ilang mga larawan kaugnay ng nasabing aid giving activity.

Matatandaang noong kamakailan lamang ay itaas sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon matapos daw makapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng anim na minutong explosive eruption at 43 volcanic earthquakes.