Inihayag ni SB19 member Stell ang interes niyang makausap nang personal ang volleyball player na si Sisi Rondina para humingi ng paumanhin kaugnay sa nakaraang isyu.

Matatandaan kasing kinuyog ng ilang SB19 fans si Sisi dahil hindi nito kilala ang naturang P–pop male group.

Sa latest episode ng “On Cue” noong Biyernes, Hunyo 14, sinabi ni Stell na ayaw umano nilang gumawa ang fans ng mga bagay na sa huli ay ang mga ito rin ang maapektuhan.

“Ayaw po namin talaga—especially do’n sa fandom po namin galing—ayaw namin na may ginagawa silang mga bagay na at the end of the day, sila lang din ang maaapektuhan,” saad ni Stell.

Tsika at Intriga

'Nangangamoy-babaero!' Ricci, tameme sa pick-up lines ni 'Andrea'

“Syempre, kung sila ayaw nilang naaapektuhan kami, kami rin naman ayaw naming naaapektuhan sila,” wika niya.

Nang tanungin naman si Stell ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe kung nagkita na sila ni Sisi, inamin niya na hindi pa raw.

“Hindi pa nga po, e. Actually ako, gusto ko sa kaniyang mag-apologize nang personal kasi do’n sa nangyari,” pahayag ni Stell.

Matatandaang bukod kay Stell, nagsalita rin ang isa pang SB19 member na si Pablo para pagsabihan ang fans matapos mangyari ang naturang isyu.

MAKI-BALITA: Pablo ng SB19, sinermunan ang fans

Samantala, agad din namang humingi ng paumanhin si Sisi sa fans ng SB19 na na-offend sa pamamagitan ng isang TikTok live.