Usap-usapan sa social media ang umano'y mainit na komprontasyon nina Rendon Labador, Rosmar Tan Pamulaklakin at isang babaeng empleyado sa munisipyo sa Coron, Palawan dahil daw sa rant Facebook post nito, kaugnay sa isinagawa nilang pamamahagi ng tulong at pag-promote sa nabanggit na lugar.

Nagsadya ang "Team Malakas" na pinangungunahan ng dalawang social media personalities sa nabanggit na lugar upang mamigay ng tulong at i-promote na rin umano ang turismo.

Ayon daw sa post ng babaeng empleyado, "ginagamit" lang daw ng vloggers na gaya nila ang Coron para sa "views." Nagalit din umano ang babae dahil wala raw inabot na ayuda ang vloggers sa mga nag-assist sa kanila.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed……dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom…at lalong ginamit nyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi nyo nga hinawakan?

“Hwag nyo sabihing Malaki pa naubos nyo kakapamigay kumpara sa kikitain nyo? Sana namigay nalang kayo sa daan natuwa pa mga tao kesa sa ginawa nyo pinaasa nyo na ginawa nyo pang mga bata! Mga matatanda sana nalang inuna nyo…… Hinahamon ko na nga suntukan si Rendon nag hubad pa nged talaga…. 💪👊 Ekis kayo,” saad daw ng nabanggit na staff ng munisipyo ng Coron."

Nakarating umano ito sa kaalaman ng dalawa kaya nagkaroon ng mainitang komprontasyon na makikita sa kumakalat na video.

Dumepensa naman si Rendon sa kaniyang mga naging kilos.

"Pumunta kami dito para tumulong at i-promote ‘yung Coron kapal naman ng mukha mo tumutulong na kami. Sino ba pinagmamalaki nito? Bakit pinapayagan n’yo yung mga gantong staff ng munisipyo?” ani Rendon.

Sa isang mahabang Facebook post naman ay ipinaliwanag ni Rosmar ang kanilang panig. Aniya, nagtungo sila sa Coron, Palawan para magbakasyon at magsagawa ng charity event. Hindi raw nila inasahan ang pagpapakawala ng rant post ng babaeng staff dahil lang daw sa naunsyaming ayuda.

"Porket sikat kami bawal na kami magkaroon ng emosyon at masaktan? pumunta kami ng Coron para magbakasyon pero bigla namin naisipan tumulong sa mga taga-Coron, Palawan pero di namin inexpect na ganto karami sasalubong sa ikalawang charity namin dito," bahagi ng kaniyang post.

Sa isa pang post, sinabi ni Rosmar na nakipag-coordinate daw sila sa lokal na pamahalaan ng Coron bago sila nagsagawa ng charity event.

"Sa mga nagsasabi na di kami nakipag coordinate sa ginawa naming charity sa Coron Palawan. ❤️

sadyang nagulat lang din kami kasi sobra dami talagang tao. May mga Pulis dun at Staff ng Munisipyo, sadyang sobrang dami lang talaga at di na nacontrol ang dami ng tao. 🥲❤️"

"Saka marami nagsabi na kahit wala silang natanggap masaya sila basta nakita nila ang Team Malakas💯

sadyang may staff lang ng munisipyo na nag rant kasi di daw sya nabigyan. Ang Priority namin ay ung mga taong na ngangailangan at hindi ung may sinasahod naman sa araw araw. 💯" aniya pa.

Shinare naman ito ni Rendon sa kaniyang Facebook post.

"Sarap sa pakiramdam na kahit madaming ayaw tumulong, tumutulong parin tayo ❤️❤️❤️ #TeamMalakas."

Agad din namang humingi ng tawad ang babaeng empleyado ng munisipyo at pinatawad naman ito nina Rendon at Rosmar.