Palaisipan sa mga netizen ang Instagram post ni Derek Ramsay na naka-tag sa kaniyang misis na si Ellen Adarna, kalakip ang random photos nila.

Mababasa sa caption, "Can't wait @maria.elena.adarna Alam mo na! Lol"

Tugon naman dito ni Ellen, "When are u coming home ba???? Loll"

Pati tuloy ang batikang ABS-CBN news anchor na si Karen Davila ay napa-react dito, "Awwww ❤️❤️ me too! Hehe."

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

Hinala tuloy ng mga netizen ay may kinalaman ito sa pagbubuntis daw ni Ellen. Kaya naman, dinumog ng mga tanong, reaksiyon, at komento ang post ni Derek.

"alam ko na. Second baby from you. Family of four ba kayo."

"Congrats Papa D and my love Ellen"

"I always have this feeling that Ellen is expecting. She does not have any new post showing her whole body. I will be happy for them!!"

"Are you both expecting?"

"Baby on the way"

"Wow congratulations baby is coming"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, pahayag, o kumpirmasyon sina Derek at Ellen patungkol sa mga pang-uusisa ng netizens.