Bukas daw ang bawat miyembro ng P-pop male group na SB19 sa pagso-solo ngunit mananatili pa rin umano ang prayoridad nila sa grupo.

Sa isang episode kasi ng “On Cue” noong Biyernes, Hunyo 14, naitanong ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe na ang paglulunsad ba ni Stell ng “Room” ay nangangahulugan ng pagso-solo niya as artist.

“Magso-solo but priority ang group,” saad ni Stell.

“‘Yon naman po ang pinaka-number sa amin. Like, we can do our solo pero huwag na huwag kakalimutan ‘yong group,” dugtong pa niya.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

In fact, si Stell ang huling nakapaglabas ng solo track sa SB19. Ang ibang member ng SB19 ay nauna nang makaagawa ng sarili nilang kanta. 

Kaya tanong ni MJ sa kaniya: “Why you took so long?”

“Na-feel ko lang po na hindi ako ready for this. And parang lagi ko nga pong sinasabi, mas sanay ako performing with them,” sagot ni Stell.

Dagdag pa niya: “Parang ever since kasi noong trainee kami. ‘Di ba po nakuwento ko na before? Noong trainee kami, nag-quit ‘yong lahat, e. Then ako ‘yong natira. So siguro ano’n ‘yong fear sa akin na takot akong maiwan mag-isa.”

Pero dahil sa pangungulit umano ng mga kagrupo niya, nag-release siya ng kaniyang solo track. Mapapakinggan na sa iba’t ibang online streaming platforms ang “Room” ni Stell.