Nagbigay ng updates si "President" Nadine Lustre kaugnay sa bulung-bulungang magbabalik-ABS-CBN siya at gagawa ng isang teleserye na co-produced ang Viu Philippines.

Kalat na kasi sa social media ang tsikang si Nadine daw ang bibida sa posibleng Philippine adaptation ng patok na South Korean series na "True Beauty" na collaboration project ulit ng ABS-CBN Studios at Viu Philippines, matapos ang tagumpay ng mga proyekto nila together, panghuli nga ang "What's Wrong With Secretary Kim" nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Nausisa naman si Nadine ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori, at dito ay inamin ni Nadz na marami ngang pitching sa kaniya, subalit hinihintay niya ang right timing at right project na magsisilbing comeback niya.

Sa ngayon daw ay nakapokus muna si "President Nadine" sa music at business.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

"At the end of the day, it's really just about the right timing and right project... there are pitches, naghihintay lang din ako, I'm not rushing," ani Nadine.

"As much as possible, this year I promise myself na hindi ako tatanggap ng masyadong maraming work because it's really had to focus on one thing. Pero ako talaga ang promise ko talaga sa sarili ko is work on more music and business talaga," giit pa ni Nadine.

Batay sa sagot ni Nadine, hindi niya kinumpirma o itinanggi ang posibleng proyektong inihahain para sa kaniya ng Kapamilya Network. Sabi nga niya, "We'll see."

Matatandaang may serye sana sina Nadine, Julia Montes, Paulo Avelino, at Thai actor Denkhun Ngamnet na may pamagat na "Burado" subalit hindi ito natuloy dahil sa kasagsagan ng pandemya.