Kasabay ng pagdiriwang ng Father's Day ngayong araw ng Linggo, Hunyo 16, inanunsyo ng aktres na si Ria Atayde na magiging tatay na ang mister na si Zanjoe Marudo.

Makikita sa Instagram post ni Ria ang ilang mga larawan nila ng asawa habang nasa isang tabing-dagat. Sa pangalawang larawan, makikita ang baby bump ni Ria na kitang-kita na sa kaniyang suot na blue bikini.

"To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you 🤍 Happy first Father’s Day!" mababasa sa caption ni Ria.

Tsika at Intriga

Iyah Mina, nag-react sa isyu ng pagtawag ng 'sir' sa transgender customer

View this post on Instagram

A post shared by Ria Atayde (@ria)

Mababasa naman sa comment section ang pagbati ng mga kapwa celebrities gaya nina Nadine Lustre, Yam Concepcion, Alex Diaz, Marlo Mortel, Eula Valdez, Jane Oineza, Arci Munoz, Ruby Ruiz, Kim Rodriguez, at iba pa.

Ikinasal sina Ria at Zanjoe noong Marso, at bago ang kasalan, ay kumalat ang tsikang buntis si Ria.

Pinabulaanan naman ito ng kapatid ni Ria na si Gela Atayde sa panayam ng ABS-CBN News noong Marso at sinabi niyang imposibleng buntis ang kaniyang ate dahil may PCOS ito.

"For me I can’t say much yet. For now, no. They’re trying that’s for sure. My sister has PCOS and it would be a miracle if she has a child,” lahad ni Gela.

“Well, at least my parents also are supportive for that my sister nga kasi is at the age — turning 32 this year medyo kailangan na din,” aniya.

Kaya naman, napapatanong ang mga netizen kung bakit kinailangan pa raw i-deny ang pagbubuntis ni Ria noon pa lamang.

Bagay na sinagot naman ni Ria, sa pamamagitan ng pagre-react sa isang netizen na nagkomento sa kaniyang Instagram post.

"We never denied anything, Madam. We just didn't think we owed anyone an announcement. :) thank you for the support po," aniya.

MAKI-BALITA: Mahihirapang magkaanak? Gela Atayde, pinabulaanan pagbubuntis ng kapatid

MAKI-BALITA: Gela sa kasalang Zanjoe-Ria: ‘I am right behind the both of you’

Kaya naman, binalikan tuloy ng mga netizen ang naging pahayag noon ni Gela, batay sa comment section ng Fashion Pulis.

"But her sister explicitly denied it?" sabi ng isa.

"I agree," pagsang-ayon naman ng isang netizen.

"So it wasn't Ria who confirmed it. Malay ba ni younger sister diba?" anang isa.

"Maybe the sister does not the right to announce," sundot pa ng isa.

Sansala naman ng isa, "hay naku mga netizen wala kayong pakialam kung ayaw nilang iannounce pagbubuntis nila,hindi naman kayo bu buhay sa baby."

Narito ang iba pang komento at reaksiyon ng netizens:

"I remember it was your sister who denied. Sana she kept her mouth shut na lang nung interview. Anyways, congratulations!"

"Eh kasi naman nung tinanong ung kapatid Sabi hindi buntis."

"Sinabi ng kapatid mo na hindi daw at may PCOS ka daw. Sana inunahan mo ang kapatid mo para hindi niya kinailangan magsinugaling."

"Ang dami satsat ng mga talangka dito. They dont owe anyone an answer."

"Totoo naman they don't owe anyone an announcement. Mosang lang mga tao."

"Bat ba kase mashado pakyalemera mga netizens. Pag pinakasalan, sasabihin buntis. Pag di pinapakasalan, sasabihin di siniseryoso. Pag iba ang pinakasalan at hindi yung nabuntis, todo bash sa pinakasalan. San ka lulugar sa mga pinoy."

"Daming mga pinoy na entitled maritess lang tayo oi. And some of them they want to make sure about sampag bubuntis na late na iannounce."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mag-asawang Zanjo at Ria tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.