Ilang mga mambabatas, organisasyon, at personalidad ang nagpakita ng suporta sa LGBTQIA+ community sa ginanap na Pride Month Celebration and Protest “Awra Marikina: Rampa ng Pag-ibig at Kalayaan” sa Parang Playground, Marikina City nitong Sabado, Hunyo 15.

Ayon sa organizers ng event, layon ng “Awra Marikina” na isulong ang pagkakapantay-pantay at karapatan ng bawat indibidwal, anuman ang kanilang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE).

Nagsimula ang Pride Month event sa pamamagitan ng isang Pride Parade mula sa H. Bautista Elementary School hanggang sa Parang Playground sa Marikina City, kung saan naman ginanap ang cultural night.

Kasama sa mga nag-perform sa naturang Pride Month event si 'Drag Race Philippines' season 2 winner Captivating Katkat at iba pang drag queens, at ang singer-songwriter na si Rob Deniel.

Events

Concert nina Sarah at Bamboo sa California, maaantala

Nagpahayag naman ng kanilang solidarity speech sina Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, Bataan First District Rep. Geraldine Roman, Gabriela Women’s Party Consultant for Young Women Affairs Sarah Elago, at iba pang representante ng LGBTQIA+ community at allies, habang nagpaabot din ng mensahe sa pamamagitan ng isang video si Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel.

Isa sa mga isyung tinalakay nila ay ang panawagang ipasa na ang SOGIE Equality Bill na naglalayong protektahan ang bawat indibidwal laban sa diskriminasyong nakabase sa kanilang “sexual orientation, gender identity, and expression.”

Inorganisa ang Awra Marikina ng Marikina-wide youth groups, Sangguniang Kabataan officials, student leaders, at Marikina-based LGBTQIA+ organizations.

Taong 2016 daw nang magsimula ang naturang annual Pride Month event na nagbibigay-suporta sa LGBTQIA+ community.

https://balita.net.ph/2024/06/16/drag-queen-captivating-katkat-pride-is-for-everyone/?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTEAAR30rcRSkn0-zuLAORnffAyXZ8L9LM9voYxq2UGCaBCSAdKeLsg4Q_X-iMM_aem_ZmFrZWR1bW15MTZieXRlcw

https://balita.net.ph/2024/06/16/roman-sa-mga-politikong-mahal-daw-ang-lgbtqia-community-show-the-love/