Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng gabi, Hunyo 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:48 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 138 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 10 kilometro.

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS