DINALUPIHAN, BATAAN — Tatlong katao ang nasawi makaraang mabangga ng isang truck ang isang bahay na may tindahan kasunod ng pagkakabangga nito sa isang motorsiklo sa Purok 5, Barangay Bangal, sa bayang ito, nitong Sabado ng umaga, Hunyo 15

Kinikilala ng pulisya ang mga namatay na biktima na sina Glenda Agustin, 50; Roxanne Agustin, 28; na pawang residente ng Purok 5 Brgy. Bangal; at rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, ng Olongapo City.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck na minamaneho ni Billy Jo Villoria, 23, na sanhi ng pagbangga nito sa motorsiklong sinasakyan ni Gonzales na may license plate 830 RTM.

Matapos nito ay sumalpok ang truck sa bahay ng mga Agustin habang natutulog.

Ang mga biktima ay dead on the spot.

Samantala, nakatakas ang driver ng truck ngunit dinala ang kaniyang helpder sa kustodiya ng Dinalupihan police.