Nag-alala ang Sharonians at iba pang netizens sa kondisyon ngayon ni Megastar Sharon Cuneta matapos niyang ibahagi ang kaniyang malalang ubo at sipon.

Paglalarawan pa ni Mega, mas nahihirapan daw siya ngayon kaysa nang magkaroon siya ng Covid-19. Ayon pa sa kaniya, mukhang nalamigan at napagod da siya mula sa isang commercial shoot.

"Earlier today i posted gifts&letters from my Sharonian Kids. Now lang i will mention that their timing was perfect - kasi i am sick!"

"I shot a commercial last Sat., & sobra sobra akong napagod at nalamigan that when i got home late that night i felt something was coming na. True enough ang lakas ng ubo at sipon ko now and this feeling is what i hate the most! Di makahinga sa sipon, di makatulog dahil sa ubo! Kinontrahan ng mga gamot ang trangkaso."

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

"Haaay ayoko magkaCOVID ulit pero mas mahirap pa ito kesa nung may Covid ako!!! Please pray for me? I cannot stand congestion and ubo! Thanks so much. Love you all."

Samantala, wala pang updates si Shawie kung kumusta na ba ang lagay niya ngayong Sabado, Hunyo 15.