Nakakaloka ang mga komento ng netizen tungkol kina dating “Can’t Buy Me Love” star Donny Pangilinan at Kaila Estrada.

Sa official Instagram account kasi ng Netflix Philippines nitong Biyernes, Hunyo 14, matutunghayan ang isang promo video ng kanilang bagong series na “Bida/Bida.” 

Tampok sa naturang video sina Donny at Kaila na ibinibida sa isa’t isa ang kanilang mga celebrity mom na sina Maricel Laxa at Janice De Belen na kasama rin nila sa loob ng elevator.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

"Bagay sila parehong matangkad. Gwapo at maganda din. Pwde din loveteam. Hehe."

"Lahat na lang bagay kay Donny. Yung poste na may palda bagay din siguro??"

"Mula CBML hanggang dito, di pa rin sila okay 🤪"

"YOU CAN SHIP WHO EVER YOU WANT TO DONNY WITHOUT BRINGING B DOWN. YUNG IBA DYAN SINASABI NA "UY MAS MAY CHEMISTRY" KAYA INAATAKE SILA. TAPOS ANG I-EEXPLAIN NG MGA TANGA NA "HINDI DAPAT MAG-STICK SA ISANG LOVETEAM.." LOL, KAYA SILA INAATAKE BECAUSE OF WHAT THEY SAID ABOUT B. HINDI MAN NILA I-DIRECT OR WHAT NAKAKABASTOS LANG KAY B."

"huyyy may chemistryyyyy 😍"

"hala bagay sina Kaila and Donny"

"OMG! So cute. May chemistry for me 😍"

"Bat nakikita ko si Bingo and si Bettina 😆"

"HOYYYY BAKIT KINIKILIG AKOOO 🥰"

"Haha ang cute, infairness may chemistry"

"This is so cute 😂👏"

Anyway, mapapanood na sa YouTube channel ng Netflix Philippines ang first full episode ng naturang serye kung saan kasama rin nilang apat sina Tonet Jadaone, Candy Pangilinan, Beauty Gonzalez, Barbie Forteza, David Licauco, Maris Racal, at Anthony Jennings