Ibinida ni Kapuso comedy star Pokwang ang maagang pagbibigay ng "Father's Day" card ng kaniyang anak na si Malia sa kaniya, na makikita sa kaniyang Instagram post.

"Wow early father’s day greeting card from my sweetheart @malia_tisayngmasa18 ❤️ hindi kona sya tinanong bakit nya ako ginawan ng card hahahhaha alam na ng bata matalino yan 😘❤️," aniya.

Tila nagparinig naman si Pokwang sa isang "sa social media lang nagpapakatatay."

"tapos pustahan tayo yung isa sa lumang accnt ng anak nya mag po post doon ng #Happyfather’sday Dada! Bwakbwakbwakbwak ika nga ni meme Vice!!!!! sa socmed lang nagpapaka tatay! pustahan? in 10, 9,8,7,6,5,4,3,2,1 ABANGAN NYO TAMA AKO HAHAHHAHA," saad pa ni Pokwang.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

Matatandaang pumabor ang korte kay Pokwang matapos niyang maghain ng deportation sa kaniyang ex-partner na si American actor Lee O'Brian, na tatay naman ni Malia.

MAKI-BALITA: Lee O’Brian pinadedeport na; Pokwang, nagbunyi

MAKI-BALITA: Abogado ni Pokwang masaya pagkaka-deport ni Lee O’ Brian