Inamin ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas na muntik na siyang tumigil sa pag-aartista matapos hindi i-renew ng ABS-CBN ang kontrata niya rito.

Sa latest episode kasi ng vlog ng broadcast-journalist na si Julius Babao, tinanong niya si Ai Ai kung ang pag-alis niya sa ABS-CBN ang naging dahilan kung bakit siya nangibang-bansa.

“Hindi,” sabi ni Ai Ai. “Iko-correct ko lang na hindi ako umalis sa ABS. Hindi nila ako ni-renew.”

Tanong tuloy ni Julius: “Bakit?”

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

“Hindi ko alam, siguro…alam ko. Pero ayaw ko na lang sabihin. Baka kasi ito ‘yong panahon na ako ‘yong nasisi na hindi ko kumita ‘yong isang movie kasi parang sumabay ‘yong pamba-bash sa akin dahil nalaman nila na ang boyfriend ko, bata,” saad ng comedy queen.

“Parang ‘yon ‘yong dahilan na sinasabi nila na kung bakit hindi kumita ito kasi parang dahil sa ‘yo. Indirectly parang ‘yon ang sinasabi nila. Then after that, hindi na na-renew [ang contract ko],” wika niya.

Dagdag pa ni Ai Ai: “So, sa sobrang sakit nga na hindi na na-renew, balak ko no’n hindi na ako mag-aartista. Kaya pumunta na rin ako sa Amerika no’n. Tapos bumili akong bahay do’n.”

Pero dahil binigyan umano siya ng pagkakataon ng GMA, itinuloy niya ang trabahong minahal niya.

Matatandaang nauna nang linawin ni Ai Ai ang isyu tungkol sa paglipat niya ng istasyon matapos niyang makatanggap ng batikos dahil sa pagbisita niya sa “It’s Showtime” noong Marso.

MAKI-BALITA: Ai Ai may nilinaw sa pag-alis sa ABS-CBN, paglundag sa GMA