Proud mommy ang aktres na si Candy Pangilinan para sa anak niyang si Quentin na nakapagtapos ng senior high school.

Sa isang Instagram post ni Candy noong Biyernes, Hunyo 14, matutunghayan ang video ng pag-akyat nila ni Quentin sa stage para kunin ang diploma nito.

“We finished senior high. Wala po kaming high honors pero most Cheerful award po kami. Hay! Hanggang gradation di kami magkasundo. Wala kaming matinong picture,” saad ni Candy sa caption ng post.

“Okay lang graduate pa rin kami. Not a perfect graduation. Q had tantrums after the ceremony. At least we finished the ceremony,” sulat niya.

Tsika at Intriga

Coco Martin, ayaw daw ungkatin ang personal na buhay?

Pahabol pa ng akters: “Thank you everyone. Teachers, balkan ko na lang po kayo.”

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kaibigan at kasamahan ni Candy sa showbiz industry. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Janno Gibbs: "👏❤️🙌"

Arnold Clavio: "Congratulations"

Ryza Cenon: "Yey!! Congratulations"

Karen Davila: "BRAVO👏🏼👏🏼👏🏼 congratulations Quentin!"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 16,387 likes ang naturang post ni Candy.