Ibinahagi ng Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi ang pinakamalaking aral na natutuhan niya bilang isang content creator.

Sa ulat ng ABS-CBN News noong Biyernes, Hunyo 14, inamin ni Ivana na dati raw siyang pumapatol sa mga sinasabi ng bashers na hubadera umano siya at puro retoke lang.

"Dati talaga nagbabasa ako ng [comments] pero 'yong manager ko tinuruan ako na don’t read, deadma na," saad ni Ivana.

“Hindi mo naman talaga mape-please lahat ng tao. That's something that you should always keep in mind na may mga taong magugustuhan ito, may mga taong hindi," wika niya.

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

Dagdag pa ng sexy actress: "Pero tuloy-tuloy lang ako. I don't read comments na. Kung hindi nila gusto, salamat pa rin. Kasi kung papa-control ako sa kanila, anong maiisip kong content?"

Bukod dito, ibinahagi rin ni Ivana ang proseso niya ng pagbuo ng vlog. Ayon sa kaniya, wala raw silang ginagamit na script.

“Usually kapag may content or may pinost ako, I always make sure na authentic 'yong pino-post ko,” pagbabahagi ng sexy actress.

Pagpapatuloy pa niya: “Ang importante sa akin ay walang script. Just be yourself. Tuloy-tuloy naman siya kung anong maisip ko.”

Matatandaang noong Enero ay tila hindi kumbinsido ang social media personality na si Xian Gaza sa isang vlog ni Ivana kung saan tinarayan at pinaiyak siya ni Kapuso star Marian Rivera.

MAKI-BALITA: Xian Gaza, ‘di kumbinsidong na-prank si Ivana: ‘Tanga lang maniniwala dyan’