Kinakiligan ng mga netizen ang Facebook post ng isang babaeng nagngangalang "Jhane Eyre Marie Olmedo" matapos niyang ibida ang naging paraan ng kaniyang boyfriend na si Jonel Gallaza para ayain siya ng movie date.

Sa pamamagitan ng pormal na email, inaya ni Jonel ang nobya para manood ng sine.

"A movie date treat despite the busy sched 🥹🫶🏻"

"Thanks for being consistent Sir Joneeel 💞," mababasa sa caption ni Jhane.

Human-Interest

Karpinterong nilibre ng lechong manok para sa birthday ng anak, kinaantigan

May subject na "Join Me For a Movie Date?" mababasa ang pormal na pag-aaya ni Jonel para sa kaniyang kasintahang si Jhane.

"Dear Jhane,

Good day!

I hope this email finds you well! I've been thinking about catching a movie, and I thought it would be a lot more fun to enjoy it together. How about we make it a movie date?

I'm really looking forward to spending some quality time with you," saad pa ni Jonel.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"winner ang pa-email"

"HAYS WHEN KAYAAAA"

"Maghihiwalay rin kayo! Eme, char lang.

"Corny (binigay email)."

"Kung hindi magiging ganito jowa ko, wag na lang."

"Edi sana all nalang sa inyo ma’am and sir😂 big SANA ALL"

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Jhane, napag-alamang walong taon na pala silang magkasintahan ni Jonel. Kahit na matagal na sila, hindi pa rin daw nagsasawa si Jonel sa iba't ibang sorpresa para pasayahin siya, kagaya na lamang ng pa-email.

Sabay-sabay, "SANA ALL!"

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!